Kristine Hermosa sa panahon ng lockdown: Wag nang choosy!

“HUWAG nang choosy!” Yan ang hugot ni Kristine Hermosa sa pagpapatuloy ng extended enhanced community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic. 

Ayon sa misis ni Oyo Sotto, wala namang choice ang publiko kundi ang manatili pa rin sa kani-kanilang bahay para hindi na lumala pa ang health crisis sa bansa. 

Naniniwala rin si Tintin na mas mapapadali ang pagbuti ng kalagayan ng bansa kung patuloy na susundin ng mga Pilipino ang mga kautusan ng gobyerno.

Alam ng aktres na ngayong naka-lockdown pa rin ang Metro Manila at ilang probinsya kailangang mas maging creative at productive ang bawat isa para hindi maburyong o atakihin ng kalungkutan.

Sa Instagram post ni Kristine, mukhang miss na miss na niya ang pagpapamasahe sa mga spa clinic pero dahil bawal pang lumabas nakaisip ng paraan ang napakaganda pa ring asawa ni Oyo.

“Masahe ba ang gusto mo? Sa panahon ngayon, syempre, tiis-tiis na lang na may mga paa sa balikat. Dedma na. Sabi nga nila, ‘wag nang choosy,” caption ni Kristine sa kanyang litrato kung saan may dalawang paa na nakapatong sa balikat niya.

Hindi nabanggit ni Kristine kung kaninong paa ang nagmamasahe sa balikat niya pero hula ng netizens, isa ito sa mga anak niya.

Pero mas marami pa rin ang nagkomento tungkol sa walang kupas na ganda ni Tintin na kahit tatlo na ang anak ay napakaganda at super fresh pa rin.

May mga pumuri rin sa kanya bilang mabuting ina at asawa dahil mula nga noong ikasal sila ni Oyo ay walang intriga sa kanilang pagsasama. 

In fairness, isa sa mga ideal showbiz couple ang relasyon nina Oyo at Tintin dahil hanggang ngayon ay going strong pa rin ang kanilang married life at totoo ngang walang  tsismis at issue sa kanila.

Read more...