John Lloyd kay Bea: Hindi ko na alam kung ano pa tayo, kung sino tayo…

JOHN Lloyd Cruz and Bea Alonzo waxed eloquence when the latter streamed live on her Instagram page. 

Inimbitahan ni Bea si John Lloyd na mag-join sa kanyang “kumustahan” time with her fans, bagay na pinaunlakan naman ng actor.

“Na-miss kita,” sabi ni Bea kay John Lloyd na sinagot naman nito ng “Mami-miss kita.”

May kasunod pang nakakakilig na mensahe si Papa Lloydie who said, “Nandoon ka noong nagmahal ako, nandoon ka noong nasaktan ako, nandoon ka noong wala akong matakbuhan, nandoon ka noong kailangan ko ng kaibigan, nandoon ko noong kailangan ko ng kausap.”

“Pag binabalikan ko lahat ng ‘yun, minsan hindi ko na alam kung ano pa tayo, eh. Kung sino tayo. Pero okay lang, kasi ang mahalaga ‘yung nandoon ka. Iyon lang, sapat na ‘yun,” he added.

With that, maraming fans nila ang kinilig. There are those who wish na matuloy na sana ang reunion movie nilang dalawa.

“I’ve come to terms with the idea that John Lloyd and Bea will always remain a loveteam and nothing more than that…I enjoy their little interactions and kilig. & if ever the tides turn, let’s cheers to that.” 

“My Popoy and Basha heart!!! BEA AND JOHN LLOYD SINGING ‘YOU ARE MY SUNSHINE’ IS THE RESET WE ALL NEED. MORE IG LIVE PLEASE.”

“I believe na pinagtagpo talaga sina JLC at Bea pero hindi itinadhana. Agree ako sa mga nagsabing hanggang pelikula lang ang relasyon nila and nothing more.”

Actually, marami pa talagang fans sina John Lloyd at Bea. Although matagal silang hindi nag-work sa isang movie, marami pa rin ang umaasang magbabalik sila sa big screen. 

For sure, isang malaking box-office hit ang next movie nila tulad ng mga pelikula nilang “One More Chance” at “A Second Chance”.

Read more...