12 arestado sa P442K shabu

NASAKOTE ng Quezon City Police ang 12 katao at nasamsam ang P442,000 halaga ng ipinagbabawal na gamot sa magkakahiwalay na operasyon.

Naaresto sina Frederick De Jesus, 40, at Russel Leonida, 41, ng Brgy. Malvar, Pasig City sa buy-bust operation ng Cubao Police alas-6:30 kagabi sa Magsaysay st., Brgy. Manggahan, Pasig City.

Nasamsam umano sa kanila ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Nahuli naman ng Masambong Police sina Rhodel Occasion, 31, at Mary Shane Velga, 35, alas-9:25 kagabi sa Mabuhay st., Brgy Central. Narekober umano sa kanila ang P88,400 halaga ng shabu.

Naaresto naman si Gaspar Gersey 41, alas-5:30 ng hapon kahapon sa Sitio Mendez, Brgy. Baesa at nakuhanan umano ng P88,400 halaga ng shabu.

Lima naman ang nahuli ng Fairview Police sa dalawang operasyon. Ito ay sina Jerry Natividad, 31, Jericho Conde, 18, at Mark Soriano, 21, na nahuli alas-11 kagabi sa Everlasting, Maligaya Park Subd., Brgy. Pasong Putik, na nakuhanan umano ng P47,600 halaga ng shabu, at sina Janice Fariñas, 37, Herbert Gallano, 31, na nakuhanan umano ng P47,600 halaga ng shabu sa operasyon alas-2 ng umaga kanina sa Camaro st., Brgy. Greater Fairview.

Naaresto naman ng Talipapa Police si Christian Bucatcat, 32, alas-2:40 ng hapon at nakuhanan umano ng P34,000. Nahuli rin nila si Paolo Pablo, 34, alas-6L20 kagabi sa Congressional Extn., Brgy. Culiat na nakuhanan ng P34,000 halaga ng shabu.

Read more...