Ngayong sikat na…Chi-chi inaangkin ng ibang may-ari: Ipaglalaban po namin siya

INSTANT superstar nga ang tinaguriang Manila’s first official animal frontliner na si Chi-chi.

Sikat na sikat ngayon si Chi-chi na binigyan pa ng official Barangay Dog Frontliner ID para sa mga kabutihan at kabayanihang nagawa niya sa  Barangay 379, Zone 38, Sta. Cruz, Manila lalo na ngayong may COVID-19 pandemic.

Nakausap namin ang may-ari ng binansagang celebrity at superhero dog na si Jake Ryan Ramos sa pamamagitan ng Facebook messenger at naikuwento nga niya kung paano napunta sa kanila si Chi-chi at kung bakit napasama na ito sa pagroronda ng Barangay Patrol.

Ani Jake, sumama raw si Chi-chi sa isang barangay tanod nila na isa ring tricycle driver at hindi na ito bumaba ng sasakyan, “Hanggang sa sumama na po siya sa amin at nag-stay sa bahay. Pinakain lang po namin si Chi-chi hanggang sa umamo na po tapos sumasama na po sa duty ng barangay kapag nagpa-patrol.”

Pagpapatuloy ni Jake, “Hindi ko po akalain na magiging superhero dog namin si Chi-chi pero thankful po kami at super happy na dumating siya sa amin.”

Ano ang mga qualities ni Chi-chi na wala sa ibang mga ordinaryong pet dogs? “Siguro yung ability niya sa pagkilala ng tao, at yung hilig niya mag-roving around our barangay saka galit siya sa mga tingin niyang scavengers or yung alam niyang may masamang balak.

“Galit po siya minsan sa mga nangunguha ng kalakal kasi baka minsan po salisi gang po pala, baka may manakawan po sa amin,” pahayag pa ni Jake.

Sa tanong kung bakit Chi-chi ang ibinigay nilang pangalan sa wonder dog, “Galing po siya sa pagsitsit or kapag tinatawag mo yung pet dog mo. Yung parang parang… tsk tsk. Hanggang sa masanay na siya na tawagin na Chi-chi ng ex-tanod namin.”

Samantala, kinumpirma ni Jake na maraming nagke-claim ngayon na sila raw ang tunay na nagmamay-ari kay Chi-chi.

Ito naman ang mensahe sa kanila ni Jake: “Sa mga nagkeclaim na nawawala nyo pong aso si Chi-chi, pasensya na po sasabihin ko na po sa inyo pero sa comment section po ng post ko with almost 60k+ reactions and 60k+ shares, marami pong kamukha si Chi-chi.

“Almost a year or almost one year and a half na po si Chi-chi samin, hindi pa namin sya close dati kasi baka nangangagat. Kahit kausapin nyo po ang Mama ko, ikekwento nya ang totoo. Marami din kaming aso sa bahay, at talagang Dog Lover kaming pamilya.

“It’s not our fault na nawala po si Chi-chi since napunta sya samin, wala po kaming natanggap na kahit anong MISSING na post or nagmention samin na sya ang nawawalang aso.

“Pero ipaglalaban din po namin ang karapatan namin bilang amo nya at lumaki na sya sa pamunuan ng Barangay 379 Zone 38 ng mahigit isa’t magkakalahating taon. Hindi po namin sya basta ibibigay sa kahit kanino pong nagkeclaim na sya ang nawawalang aso nyo.” 

Read more...