NAKALABAS na ng quarantine facility ang 61 overseas Filipino workers kanina.
Ang mga ito ay tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsakay ng barko sa Manila North Harbor Port Passenger Terminal upang makauwi sa kanya-kanyang probinsya sa Visayas at Mindanao.
Ang 61 seafarers, na sumailalim sa 14 na araw ng quarantine, ang ikalawang batch ng mga umuwi sa ilalim ng ‘Balik-Probinsya Program’ ng gobyerno.
Ang unang batch ng pinauwi ay 292 OFW.
MOST READ
LATEST STORIES