Kilalang aktres nagdamot ng video message para sa frontliners

MAY tampo ang premyadong aktres sa isang kapwa niya aktres na hiningan niya ng video greeting para sana sa frontliners.

Pampa-good vibes lang daw sana ito dahil sa araw-araw nilang pakikibaka sa mga pasyenteng may COVID-19. Mapapagaan kahit paano ang nararamdaman nilang pagod at stress kapag nakita nila ang mga video message mula sa paborito nilang mga artista. 

Ayon sa premyadong aktres ay kaibigan niya ang female star at nakatrabaho pa niya noon. Tsika naman sila kaya naisip niyang hingan ng video message para sa mga healthcare workers, pero laking gulat niya na hindi man lang siya pinansin nito.

Kuwento ng premyadong aktres sa aming source, “Akala ko kasi okay kami, magkaibigan kami kasi ‘ate’ tawag niya sa akin. Saka matagal din kaming nagkasama sa isang project, masaya nga kami lagi sa set.”

Dagdag pa ng source, “Seen zone lang ang message ni _____ (premyadong aktres) kay _____ (kapwa aktres). Buti pa ‘yung mga sikat na artista, mga award-winning at moneymaker ng industriya, hindi nagdalawang-salita, give kaagad ng video greeting.”

Tinanong kami ng aming source kung katsika namin ang aktres na sinagot namin ng, “Keri lang sa tuwing may event o presscon kami nagkakausap. Work lang lahat.”

Pero sa pagkakaalam namin ay mabait naman ang aktres, pero namimili rin ito ng kaibigan. 

Anyway, ang tumangging aktres na magbigay ng video message ay nakaisang hit project pa lang, at ayaw naming isiping dahil dito ay lumaki na ang ulo niya.

Samantala, si premyadong aktres naman ay marami nang hit projects at nagbibilang pa ng mga tropeong natanggap niya mula sa iba’t ibang award giving bodies.

Read more...