ATE VI sa pagtakbong PRESIDENTE sa 2016: Ni sa guni-guni hindi ko ginusto yan! Gusto n’yo bang tumanda ako agad!?

By Ervin Santiago August 12,2013
share this

ATE VI sa pagtakbong PRESIDENTE sa 2016: Ni sa guni-guni hindi ko ginusto yan! Gusto n’yo bang tumanda ako agad!?

By Ervin Santiago August 12,2013
share this


Kung buntis nga si Jennylyn Mercado, hinding-hindi ito makakalagpas kay Gov. Vilma Santos. Sey ni Ate Vi, naniniwala siya na hindi naman ililihim ng anak niyang si Luis Manzano kung nabuntis nga niya si Jen.

Sa presscon ng pelikulang “Ekstra” na humakot ng awards sa katatapos lang na Cinemalaya 2013, napailing lang si Ate Vi nang tanungin tungkol dito, “Hindi po totoo ‘yan.

Dahil kung may katotohanan ‘yan e, hindi naman ililihim sa akin nila ni Lucky ‘yan. For sure naman, e, isa ako sa unang makakaalam niyan.”

Pero handa na namang maging lola si Ate Vi, sa katunayan, mukha ngang gustung-gusto na nang magkaapo ng gobernadora ng Batangas, “Bakit naman hindi, pero hindi ako ang magsasabi niyan.

Puwede naman akong maging lola na, kung mabibigyan pero anak ko ang magde-decide niyan, hindi ako. “Basta sa ngayon ang gagawin ko lang, maghihintay lang.

At kung kailan nila balak, suportado ko naman silang dalawa,” chika pa ng Star for All Seasons.  At sa tanong kung totoo bang plano na niyang tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa 2013, “Sa totoo lang, gusto niyo yatang tumanda na ako agad.

Akala n’yo madali ang trabahong yan? Ako, ni sa guni-guni, hindi ko hinangad ‘yan. Ang magiging president ng Pilipinas, e, hindi isang joke ang trabahong ‘yan.

“Pero ang point ko lang talaga, destiny ‘yan. Ni ako nga, di ko alam kung bakit naging mayor at naging gobernador ako. Pero para pangarapin ako at kayo ang mag-protesta para diyan, e, utang na loob, huwag na nilang gawin, hayaan niyo akong mabuhay nang masaya,” tugon ng gobernadora.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending