HIMAS-rehas ang tatlong magkakapamilya na nahulihan ng P200,000 halaga ng shabu sa buy bust operation sa Makati City.
Kinilala ang mga nadakip na sina
Miraflor Espayos, 63; kanyang anak na si Joy Espayos, 38, at apo na si Kristel Espayos, 19, mga residente ng Acacia st., Brgy Cembo.
Dinakip ang tatlo matapos bentahan ang poseur-buyer cop ng P3,000 halaga ng shabu.
Nakumpiska rin sa kanila ang limang cellphone, paraphernalia at mahigit P200,000 halaga pa ng shabu.
Todo-tanggi naman ang tatlo na pagtutulak ang negosyo ng kanilang pamilya.
MOST READ
LATEST STORIES