NAGKAKAHALAGA ng P38.8 milyon ang medical assistance ang naibigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga mahihirap na pasyente mula Abril 20-24.
Ayon sa PCSO 4,468 mahihirap na pasyente ang nabigyan nito ng tulong para mabayaran ang kanilang hospital confinement, chemotherapy, dialysis, hemophilia at pambili ng post operation medicines.
Sa National Capital Region (NCR) naaprubahan ang request ng 340 katao na nagkakahalaga ng P4.4 milyon.
Sa Southern Tagalog at Bicol Region (STBR) ay natulungan ang 1,101 pasyente ng halagang P9.07 milyon.
Sa Northern and Central Luzon (NCL) ay 1,432 pasyente ang natulungan at nagkakahalaga ito ng P12.14 milyon.
Sa Visayas ay P8.14 milyon ang naitulong sa 858 pasyente at P5.5 milyon naman sa Mindanao na may 737 kaso.
Ayon kay PCSO GM Royina Garma patuloy ang pagganap ng PCSO sa kanilang mandato.
“Every time a ticket is purchased, 30% of the amount automatically goes to the PCSO Charity Fund. That’s why even if you do not bag the jackpot prize or any of the prizes, you are still a winner by helping your fellow Filipinos through the various Charity Programs of PCSO,” ani Garma.