Ikinanta ng kapitbahay, 2 huli sa shabu session

Jail

SWAK sa selda ang dalawang lalaki na isinumbong umano ng kapitbahay ang ginagawa nilang paggamit ng shabu sa Quezon City kahapon.

Sina Julius Elorde, 46, mekaniko, ng Area A, Brgy. Payatas, at Reynante Atega, 40, taxi driver, at ng Brgy. Commonwealth, ay nakakulong  sa Batasan Police.

Isang concerned citizen ang tumawag sa pulisya kaugnay ng isinasagawang shabu session sa Alegre Cmpd. IBP Road Area A, Brgy Payatas, las-5 ng hapon.

Naaktuhan umano ng mga pulis ang dalawa na gumagamit ng shabu.

Nasamsam umano sa kanila ang dalawang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Read more...