KALABOSO ang dalawang magkapatid na nagnakaw umano ng piyesa ng motorsiklo sa isang shop sa Quezon City kahapon.
Sina Rafael Padol, 23, at Rio Miguel, 18, mga taga-Brgy. Payatas, ay nakakulong sa Batasan Police station.
Ayon sa biktimang si Ruthcel Alegre, 33, pumunta siya at ang kanyang mister sa kanilang spare parts shop sa Dama de Noche st., Brgy. Payatas alas-2 ng hapon.
Napansin nila na sinira ang bakod sa likurang bahagi ng shop at pagpasok ay maraming piyesa na ang nawawala.
Nagtanong-tanong ang mag-asawa at isa sa kanilang napagtanungan ang suspek na si Rio Miguel. Umamin umano ito sa pagnanakaw at itinuro ang kapatid na kanyang kasabwat.
Nahuli si Padol sa follow-up operation at nabawi sa kanila ang ilan sa kanilang mga ninakaw.