NAKAHINGA na rin nang maluwag ang showbiz couple na sina Angel Locsin at Neil Arce matapos lumabas ang resulta ng kanilang COVID-19 test.
Matapos nga ang halos isang buwang pagsasagawa ng relief mission sa iba’t ibang lugar ngayong panahon ng health crisis, nagpa-test ang magdyowa para masigurong hindi sila kinapitan ng killer virus.
Parehong negative sina Angel at Neil sa COVID-19 sa kabila nga ng naging exposure nila sa “outside world” nitong mga nagdaang linggo para sa pagbibigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng coronavirus disease pandemic.
Sa kanyang Instagram story ibinalita ng Kapamilya actress na nagpa-test nga sila ni Neil kamakailan. “COVID free,” deklara ng aktres kung saan inisa-isa rin niya kung paano sila nag-ingat ng kanyang fiancé para hindi kapitan ng sakit.
Comment nga ng ilang netizens, hindi umubra ang killer virus kay Darna.
Natuwa naman ang fans ni Angel sa resulta ng COVID test pero may mga nangnega at nang-intriga pa sa pagpapa-test nila ni Neil. Bakit daw parang binigyan ng special treatment at pribilehiyo na magpa-test ang magdyowa.
Pagtatanggol naman ng netizens kina Angel, maituturing din kasi silang frontliners dahil sa paghahatid nila ng tulong sa iba’t ibang lugar.
Bago ito, nag-post din si Angel ng mensahe para sa lahat ng tumulong sa kanilang fundraiser kung saan nakalikom sila ng mahigit P11 million donasyon.
“To help solve the overcrowding in hospitals, #UniTENTweStandPH was launched, a campaign YOU all have made possible through 135 hospitals nationwide, 9,246 tents and PHP 11,359,856.89 in total in just nineteen days.
“In the beginning our only dream was to provide tents to hospitals for patients, for our frontliners, to address the challenge in overcrowding, and to help lessen the increase of spreading the virus in hospitals, but because you were all so generous and kind, we received from you donations of food, PPEs, aircon and many others kaya naman po dahil sa inyo we were able to give out not only tents but also PPEs and other supplies.
“We would like to express our heartfelt gratitude to our sponsors, tent suppliers, YOU who have shared a part of your hearts through our campaign.
“You have reached out your helping hands even while you are home and did not only give but sent out love and prayers to those who needed your help. Maraming Salamat po sa lahat ng inyong kabutihan.
“Sa bawat ospital na naabot at natulungan po ninyo, taos puso po ang aming pasasalamat.
Anumang pagsubok ay ating kakayanin basta’t tulong-tulong po tayo at nagkakaisa.
“TEAM #UniTENTweStandPH now signing off. May the Lord continue to use all of us to be instruments of God’s love and grace. And to all our frontliners, Isang malaking pagsaludo po sa inyo mula sa amin!”