“KILIG pa more” ang birthday message ni Kathryn Bernardo para sa kanyang ka-loveteam at boyfriend na si Daniel Padilla.
Kaka-celebrate lang ni DJ ng kanyang 25th birthday at dahil naka-lockdown pa rin ang buong Luzon, isang simpleng selebrasyon lamang sa kanilang bahay ang naganap kasama ang pamilya.
Isang madamdaming dasal ang inialay ni Daniel nang mag-guest siya sa Magandang Buhay last Friday para sa kanyang birthday. At siyempre, kasama pa rin sa kanyang mensahe si Kathryn.
“Kay Kathryn, gusto ko siyang pasalamatan sa lahat nang paggabay sa akin, sa pagmamahal na ibinibigay niya sa akin, sa suporta na ibinibigay niya sa akin, you know, my partner in life.
“Thank you at hindi ako nagkamali, never akong nagsisi sa desisyon na ginawa ko for you. And I’m always here for you Bal (tawag niya kay Kath) para suportahan ka rin sa lahat ng mga pangarap mong gawin.
“Pangako na mahalin ka sa mga panahon na malungkot ka o may pinagdadaanan ka. Wish ko para sa ating dalawa ay dumi-diretso na tayo hanggang sa katapusan.
“Natututo ako at nag-go-grow kami. Nag-fi-feed kaming dalawa sa knowledge na mayroon kami. Nagtutulungan lang kaming dalawa. Talagang she makes me a better person,” bahagi ng pahayag ni DJ.
Sa kanyang Instagram account naman, nag-post si Kathryn ng collage of photos ni Daniel.
Caption ng Queen of Hearts sa kanyang IG post, “There’s a side of you that not everyone gets to see, and it’s probably my favorite.
“So today, I want to show the world what a beautiful person you really are. If only they can see you the way I see you—your smile, your laughter, your heart.
“Your soft and fragile side. Thank you for being a living proof that guys like you still do exist in this world. I love you sooo much! Happy birthday, my mahal!”
Mapapanood naman sa YouTube channel ng dalaga na Everyday Kath ang mahigit 2 minutes na video kung saan bumandera ang travels nila ni Daniel together sa France, Rome, Iceland at U.S..