Julia Barretto wala pang iniyakang tsismis: I’m a strong woman

SA dami ng pinagdaanang kontrobersya at intriga ni Julia Barretto sa mundo ng showbiz, ni isa sa mga ito ay wala siyang iniyakan.

Ayon sa Kapamilya young actress wala pa siyang iniyakang tsismis na ibinato sa kanya simula noong pasukin niya ang pag-aartista.

Sumalang si Julia sa isang question-and-answer session sa YouTube na tinawag na “Out of the Box” challenge na in-upload ng ABS-CBN Star Magic.

Dito nga natanong ang dalaga kung may iniyakan na siyang intriga o chika? “Ano ‘to? Ha-hahaha! Wala. Ah, not that I remember. I’m a strong woman.”

“Hindi, seryoso. Ano ba? Not that I remember. Parang wala pa naman,” dugtong pa niya.

Ibig sabihin, hindi rin pala siya naapektuhan ng napakalaking kontrobersiya na kinasangkutan niya noong July, 2019 kung saan  inakusahan nga siyang third party sa paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Dinenay ito ni Julia at ipinagsigawang hindi siya ahas at wala siyang inaagaw na boyfriend nang may boyfriend.

Sunod na tanong na sinagot ni Julia, feeling ba niya sikat siya dahil isa siyang Barretto o dahil sa talent niya?

“Well, sana dahil talented ako. Pero sa tingin ng bashers dahil Barretto ako,” natatawang tugon ng anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Pamangkin din siya nina Claudine Barretto at Gretchen Barretto.

Kung may babaguhin siya sa kanyang sarili, ano yun? “Wala, okey lang ako. Parang okey pa naman ako sa self ko.” 

Bukod sa pagsagot sa mga hot questions, sumabak din sa mga challenges si Julia na ikinatuwa at ikinaaliw ng kanyang fans.

Read more...