UMAPELA si Quezon City Rep. Precious Castelo sa Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases na payagan na ang paggawa sa mga Build, Build, Build Projects ng Duterte administration.
Ayon kay Castelo na maaaring ipagpatuloy ang paggawa habang mainit pa ang panahon.
“We have at most May and June to do public works activities before the onset of the rainy season, which will surely slow down again the implementation of our national and local government infrastructure programs,” ani Castelo sa isang pahayag.
Sa ganitong paraan ay magkakaroon na umano ng kita ang mga empleyado.
“It would be a way of restarting the economy, even on a limited scale,” dagdag pa ng lady solon. “With strict conditions, the government should be able to allow limited BBB project activities without endangering the health of all those involved, their families and the community.”
Inihalimbawa ni Castelo ang Metro Rail Transit 7 na mula North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose del Monte sa Bulacan.
Bago ang Enhanced Community Quarantine ay hiwa-hiwalay na umano ang paggawa ng mga empleyado at hindi nagtutumpukan sa iisang lugar lamang.
“It would not be difficult for the contractor and his personnel to do social distancing. If limited construction goes well and does not violate ECQ guidelines, it could be expanded to other infrastructure projects, including those funded by local government units.”
Sa kasalukuyan ang pinapayagan lamang sa mga BBB projects ay ang paglilipat ng mga poste o linya ng tubig na tatamaan ng proyekto.