Marian kinampihan ni Aiko; basher sinupalpal

Marian-Aiko

BASAG kay Aiko Melendez ang isang basher ni Marian Rivera na nang-okray sa akting nito sa COVID-19 fundraiser na “Gabi ng Himala: Mga Kuwento at Awit”.

Overacting daw kasi ang monologue ni Marian kung saan binigyan niya ng bagong atake ang isang eksena ni Superstar Nora Aunor sa classic Pinoy movie na “Himala”.

Isa si Marian sa mga local celebrities nakibahagi sa  “Gabi ng Himala: Mga Kuwento at Awit”, na isang tribute sa nasabing pelikula na idinirek ni Ishmael Bernal na pinagbidahan nga ni ate Guy at ipinalabas noong 1982.

Ang proceeds ng nasabing fundraising show ay ipamamahagi sa mga displaced workers sa movie industry na nawalan ng trabaho dahil sa ipinatutupad na lockdown dulot ng killer virus.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Marian ang video clip ng kanyang eksena sa online tribute para sa “Himala” bilang si Elsa. Ito’y idinirek ng asawa niyang si Dingdong Dantes.

Ani Marian sa caption, “Maraming salamat para sa pagkakataong magampanan ang iconic scene ng nag iisang Nora Aunor para sa ‘Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento’.

“Ito pong aming interpretation ay para sa online fundraising for our displaced film workers. [praying hands emoji]. Thank you for this opportunity to do what I love and to help,” mensahe pa ng Kapuso actress-TV host.

Pinuri at binati ng DongYan fans ang aktres pati na ng kanyang mga kapwa celebrities, isa na nga riyan si Aiko Melendez.

“Ang galing mo [raising hands emoji] and ang galing din ni @dongdantes.

“Ung intercutting ng present to past and ung pag explain nya sa eksena napaka linaw. Mahusay!!!” sey pa ni Aiko na sinang-ayunan naman ng mga netizens.

Pero may isa ngang nang-okray kay Marian at sinabing OA daw ang monologue acting ng Kapuso actress sabay puri kay Aiko. Kung ikukumpara raw siya sa asawa ni Dingdong, di hamak daw na “pang best actress” ang akting ni Aiko.

Pero agad siyang kinontra ng Prima Donnas star, “I beg to disagree on your comment. Her attack was more on internal and based on emotions.

“She gave a different take on that piece which i appreciate kasi un ang delicate kapag gagawa ka remake.

“So sa knya she gave her on take on that scene. Which i find great… this is my own opinion too.”

Hirit pa ni Aiko, “Thank you for your compliment on my acting skills thats why i should know better [heart emoji] Peace .”

Na-appreciate naman ni Marian ang pagtatanggol sa kanya ni Aiko, “Salamat ate [face throwing a kiss emoji] puro fake acct [smiling face with open mouth and cold sweat emoji] #spreadLove [heart emoji].”

Reply uli ni Aiko, “I stand by my opinion! You were good and so as Dingdong [heart emoji].”

Read more...