Derek Ramsay sumalang sa FB Live nang naka-underwear lang

GINULAT ni Derek Ramsay ang mga nanonood sa Quarantine Chikahan ng celebrity photographer na si Raymund Isaac sa kanyang Facebook page.  

Walang takot na ipinakita ni Derek ang suot niyang underwear habang  iniinterbyu ni Raymund.

  Nag-umpisa ang paghamon kay Derek na ipakita ang kanyang suot na underwear sa tanong ng viewer kung paano raw siya matulog at ano ang suot niya.

  Sinagot naman ni Direk ang tanong, “Wow! Medyo mainit na ang panahon, ‘no? The less, the better. Ha-hahaha.”

    Nag-follow up question naman si Raymund kung may katabi ba siya sa pagtulog, “Wala, wala tayong katabi ngayon. Social and physical distancing,” diin ni Derek.

    Pagkatapos, tinanong ulit ang aktor ng isang netizen kung ano ang kulay ng kanyang underwear, “Red,”  sagot agad ni Derek. “Actually, naka-underwear lang ako ngayon habang  kausap kayo. Ha-hahaha!”

    Hindi naman agad naniwala ang mga nanonood kaya hinamon si Derek na patunayan na naka-underwear lang siya habang nakasalang sa Facebook Live. Dito na biglang itinutok ni Derek ang kanyang cellphone sa lower part ng kanyang katawan at natatawang ipinakita ang suot na red underwear habang nasa ibabaw ng kama.

    Pansin naman ni Raymund and his viewers ang maputing hita ni Dere, “Normally, because tatay ko is puti. Are you forgetting? I’m really white fair skin. Maputi talaga ako. Pero lagi akong nakababad sa araw because of my sports. Di ba mahilig ako sa beach? 

  “Kaya umiitim ako. Mas gusto kong moreno ako. Pero ngayon, wala ba akong magagawa kasi naka-quarantine tayo,” sabi ng hunk actor.

    Pero nagpapaaraw pa rin naman daw siya everyday, “Nagwo-workout ako. Lumalabas ako ng bahay para makuha ko yung sun. Kasi, importante yung vitamin D. At uh, I don’t get enough of it like I used to. Nakababad talaga sa araw kapag naglalaro ako ng frisbee mula morning hanggang bumagsak ang araw.”

    

    May nagtanong din kay Derek kung ano ang ginagawa niya paggising sa umaga, “I checked on, tsine-tsek ko yung mga tao ko dito sa bahay. But now, since the 14th day has passed, usually I go out and have my coffee first. Kasi, I have to check on everybody if anyone has the symptoms. 

“So, now that we’ve been in quarantine for more than a month and none of us has shown the signs of being sick, I don’t really have to check on them as much,” pahayag ni Derek.

    Natuwa naman si Raymund when he learned that Derek is the one who really looks after sa kanyang kasambahay, “Pero itong mga kasambahay ko, these guys are family. I always tell them, ‘Guys, hindi ko kayo katulong. Kapamilya ko na kayo dito. And that’s why I have their trust and loyalty. And we love each other.”

    In fact, may daalwang baby daw siya na kasama sa bahay. 

    “Yung anak ng isang kasambahay ko at yung isa anak ng P.A. (personal assistant) ko. So, one boy and one girl. So, yun ang pang-stress reliever ko rito sa bahay,” lahad pa niya.

Dugtong pa niya, “First thing I do in the morning, call or message Andrea (Torres, his girlfriend) and have coffee. And then, try to motivate myself into having a great workout.”

 

  Anyway, nagbigay din ng reaksyon si Derek sa pahayag ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban sa isang interbyu na siya at si John Lloyd Cruz sa mga ex-boyfriend ng aktres na hindi niya malilimutan

    “You know, that’s nice naman. I guess, coz we shared practically, half a decade together, you know.  And those five years were filled with so many great memories. 

    “Okey it didn’t workout. It wasn’t a happy ebding, you know. But you don’t let that overshadow all the great memories.

    “Yeah, you shouldn’t forget those good times. We handle pain and  separation differently. But you know,  I know Angel. She got a big heart. If she didn’t, I wouldn’t, hindi ko siya niligawan. It’s nice naman na she say something like that,” pahayag pa ni Derek.

                               

Read more...