MULING umapela si Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang mga nasasakupan na labanan at palayasin sa kanilang komunidad ang mga miyembro ng New People’s Army.
Ginawa ni Duterte ang apela makaraan na masugatan ang dalawang sundalo sa pag-atake ng komunistang grupo sa Paquibato noong Miyerkules.
Sa kalatas, sinabi niya na ginawa ng NPA ang pag-atake habang abala ang pamahalaan sa pagresponde sa krisis na dala ng coronavirus disease (COVID-19).
“The cowardly attack … only proved that the NPA, the CPP (Communist Party of the Philippines), and the National Democratic Front of the Philippines are truly the enemy of the people and the government,” ani Duterte.
“For the NPA terrorists, what’s important is death, destruction, and taking over the government,” dagdag niya.
“We call on the public to reject the NPA terrorists, work together, and strongly resist its perverted political agenda, and drive them completely out of our communities,” aniya pa.