Imelda Papin binanatan ng netizens; COVID song naka-40k ‘dislike’ sa YouTube

“IMELDA Papin is cancelled!”

Pasok sa listahan ng top trends sa Twitter ang pangalan ni Imelda Papin matapos ma-bash ng netizens dahil sa COVID-19 song.

Habang sinusulat ang balitang ito, nasa Top 8 trending list sa Twitter Philippines ang pangalan ni Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin dahil nga sa reaksiyon ng netizens sa pagpayag niyang kantahin ang “Iisang Dagat” na isinulat ni Chinese Ambassador Huang Xilian.

Ang nasabing music video, ayon sa Chinese Embassy Manila Facebook page ay, “Dedicated to all those who contributed to the fight against the epidemic from both countries.

“China and the Philippines have been supporting and helping each other during the challenge of COVID-19 outbreak, demonstrating a new era partnership of mutual support during trying times and the vision of building a community with a shared future for mankind.”

Ayon sa ilang nag-comment sa music video, bakit daw pumayag ang OPM icon na maging bahagi nito na tinawag nilang isang propaganda. Pwede naman daw siyang kumanta kasama ang mga kapwa Pinoy singers para sa mga bayaning frontliners kaya bakit may pa-collaboration pa sa China.

“Saw Imelda Papin trending, and feared the worst. Then I saw why she’s trending, and it was even worster,” sabi ng isang netizen.

Kahit sa YouTube ay tila hindi tanggap ang ginawa ng singer-politician dahil mas maraming nakuhang dislikes ang video kesa sa likes. Mahigit 40,000 dislikes na ang nahamig nito sa YT habang sinusulat ang artikulong ito.

Pero may mga nagtanggol naman sa Jukebox Queen at nagsabing wala silang nakikitang masama sa ginawa ni Imelda. Narito ang ilan sa mga reaksyon ng kumampi sa singer-politician.

“I really dont get it. It’s a music, a song that only shows encouragement to fight against COVID.”

“You’re asking penalty for Imelda Papin with treason? What if Imelda will ask you -Sino sa inyo ang gumagamit or any desire to have an iPhone para samasama tayo kasi made in China yun.” 

“This is for covid , healing and unity! Have respect! May God bless you even with the way you think.” 

Wala pang pahayag si Imelda Papin tungkol sa isyung ito at bukas ang Bandera para sa kanyang magiging reaksiyon.

Read more...