Chinese music video na ‘Iisang Dagat’ nagpa-bad trip sa mga Pinoy

BADTRIP ang mga Pinoy na nakapanood ng ‘Iisang Dagat’, isang music video na may layuning magbigay sana ng inspirasyon at suporta para sa Pilipinas sa laban nito sa coronavirus disease o COVID-19.

Ito ay produce ng Chinese Embassy sa Philippines, Chinatown TV, at Guizhou Xinpai Media Company.

Isinulat ito ni Chinese Ambassador H.E. Huang Xilian na nasa Chinese at Filipino at pinerform nila Chinese Diplomat Xia Wenxin mula sa Embassy, Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin, Filipino-Chinese Singer Jhonvid Bangayan, at Chinese actor Yubin mula sa TV Series “The Untamed.”

“The Philippines stood together with China on its darkest hour with COVID-19. Today, China stands as one, fights as one, and heals as one with the Philippines.” sey ng description sa video.

Ang inaalmahan ng mga Pinoy ay ang pagpapakita sa West Philippine Sea bilang ‘iisang dagat’ lang ng China.

Halos puro negatibo ang nakuhang reaction nito.

Sa ngayon ay meron itong 29k na dislikes at 261 lang na likes.

Naging number four trending topic din siya sa Twitter as of this writing.

 

Read more...