Public school teacher may P5K tulong mula sa manila city hall

INAPRUBAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang pagpapalabas ng P64 milyong financial assistance para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Bukod sa mga guro, makatatanggap din ng P5,000 cash assistance ang mga non-teaching personnel ng lungsod.

“Ang lahat ng aming teacher and non teaching personnel, sa aming elementary at public high school ay tatanggap ng 5,000 pesos bawat isa. Pinirmahan ko na kahapon yung P64 million more or less,” ani Domagoso.

May 11,000 public elementary at high school personnel sa mga public schools sa Maynila.

Para hindi na kailanganin pang pumila, ang tulong ay idedeposito sa mga ATM ng mga benepisyaryo.

“Maubos man ang pera ng gobyerno, masaya naman ako na natamasa ito ng tao sa panahon ng kakaibang crisis,” saad ng alkalde.

Read more...