Sheena Halili ‘OA’ ang pagkapraning sa COVID-19: Mas OK na yun kesa walang pakialam!

TINAWAG na papansin at OA ng ilang netizens ang ginagawang paglilinis ng Kapuso actress na si Sheena Halili sa kanilang bahay sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nag-post si Sheena sa Instagram ng mga ginagawa niyang pag-iingat pati ng kanyang asawang si Atty. Jeron Manzanero para hindi mahawa ng killer virus. Isa na nga rito ang regular na pagdi-disinfect sa kanilang bahay.

Narito ang mahabang caption ni Sheena sa kanyang IG post: “6PM! Pag may nag doorbell, may transformation ng nagaganap!

Dahil andyan na si mister at galing sa work. 

“Lahat ng gamit na galing sa labas ay sprayan ng disinfectant, lysol, alcohol, punasan ng wipes na may alcohol at direcho sa sterilizer. May naka ready narin akong 2 baskets. Basket 1 para sa damit niya, basket 2 para sa mga dala niyang gamit like susi, cellphones etc.

“Tanggal ng damit sa labas tapos direcho laba at direcho ligo si Jeron. Naka open na ang pinto ng bathroom at naka ready na ang gagamitin niya dahil bawal siyang humawak ng kahit ano like doorknobs atbp, kahit nasprayan ko na siya ng alcohol sa kamay, bago siya maligo wash muna siya ng hands with soap dahil pag direcho shower siguradong mukha mo ang una mong hahawakan.

“Sa guest bathroom ang liguan namin pag galing sa labas dahil bawal pa pumasok sa master’s bedroom/bathroom. Ibababad sa shoebox na may disinfectant ang shoes ni Jeron for an hour then lipat sa may balcony kung saan ma-aarawan ito sa umaga. 

“Ang baunan, sprayan ng alcohol then ibabad sa warm water. Pinapabaunan ko na rin ng food si Jeron para lang alam ko saan at sino ang nag prepare ng lunch niya. Direcho ligo narin ako after.  

“Dinner and then bago matulog mag disinfectant spray ule ako sa kitchen, I make sure na bago at clear na ang trashbag, sprayan ang doorknobs, remotes, switch ng lights, bathroom at sofa kung saan kami madalas nagtatambay at ang aming balcony. 

“Sa umaga, inoopen ko ang pinto sa balcony para lang pumasok ang fresh air at lumabas ang kung ano man ang dapat lumabas. Araw-araw di ako mapapagod gawin ito para lang mabigay ko ang best ko, na malinis at komportable ang bahay namin.

“Sana enough na ito. Kung may suggestions kayo, ano pa ang pwede kong gawin at ano pa ang mga disinfectants na kailangan ko, please comment down below! 

“Very good ba si MiSheens Manzanero?” 

Maraming natuwa at naaliw sa Kapuso actress dahil sa pagiging housewife pero may ilan ding nangnega at nagsabing ang “OA” niya.

Reply naman sa kanila ni Sheena, “Mas maganda na ang OA kesa walang pakielam.”

Kayo ba dear BANDERA readers, tama lang ba ang ginagawang quarantine protocol ng Kapuso wife kontra COVID-19 sa bahay nila o sumobra na ang pagkapraning niya? 

Read more...