TINATAYANG P1 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa siyam na oras na sunog sa isang commercial building sa Quezon City kanina.
Wala namang naitalang nasugatan sa sunog sa tatlong palapag na gusali sa Aurora Blvd., Brgy. Silangan. Ito ay pagmamay-ari ng TRD/Fil American Bldg., na inuupahan ng RRU Asean Hardware.
Nagsimula ang sunog alas-7:29 ng umaga. Naapula ang apoy alas-4:30 ng hapon.
Ang sunog ay nagsimula sa ikalawang palapag ng gusali. Inaalam pa ang sanhi ng sunog.
MOST READ
LATEST STORIES