HALOS wala nang espasyo sa mga ospital sa Metro Manila para sa mga tinamaan ng (COVID-19), ayon sa Department of Health (DOH).
Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit inirekomenda ng kagawaran kay Pangulong Duterte na palawigin ang enhanced community quarantine (ECQ) sa rehiyon.
“Based doon sa critical care utilization rate, makikita natin na ‘yung use of intensive care units (ICU) dito sa NCR (National Capital Region) nandun na siya sa near ng maximum. Ibig sabihin gamit na gamit na talaga,” Ani Vergeire.
Upang maayos ang situwasyon, sinabi ni Vergeire na namimili na ang DOH ng nga equipment para magamit sa mga ICU ng mga ospital.
“Hindi tayo magpapatayo ng mga bagong ospital, ang gagawin natin iaayos natin ang proseso, maglalagay tayo ng dedicated rooms, dedicated wards para sa ating COVID-19 (patients),” aniya.
“We cannot build new structures but we are going to have these rational processes.” –Inquirer