BAGO pa gawan ng issue at intriga ang hindi pag-apir ni Kathryn Bernardo sa birthday celebration ni Daniel Padilla sa Magandang Buhay, nagpaliwanag na agad si Mommy Min Bernardo.
Nag-sorry ang nanay ni Kathryn sa lahat ng KathNiel fans at sa mga host ng programang sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.
Sa kanyang Twitter account, ipinaliwanag ni Mommy Min kung bakit hindi na nakapag-guest ang kanyang anak sa programa kahit na gustung-gusto nito.
“We are very sorry if Kath wasn’t able to make it,” pahayag ng mommy ni Kath.
Dugtong pa nito, “Unfortunately, she is not feeling well when she woke up with puffy eyes this morning. I think this is due to an allergy.”
Sa katunayan nga raw, looking forward si Kath na maging part ng birthday celebration ng kanyang boyfriend pati na sa fourth anniversary ng Magandang Buhay.
“Pasensiya na po. Babawi po kami. To all the KathNiels, sana tutukan niyo pa din po [ang] episode with DJ. Salamat po,” sey pa ni Mommy Min sa kanyang post na ang tinutukoy nga ay ang umereng episode kanina.
Dito nagpahayag ng kanyang abot-langit na pagmamahal si DJ para kay Kath, “Thank you at hindi ako nagkamali, never akong nagsisi sa desisyon na ginawa ko for you. And I’m always here for you Bal (tawag niya kay Kath) para suportahan ka rin sa lahat ng mga pangarap mong gawin.
“Pangako na mahalin ka sa mga panahon na malungkot ka o may pinagdadaanan ka. Wish ko para sa ating dalawa ay dumi-diretso na tayo hanggang sa katapusan,” pahayag pa ng King of Hearts.