Seniors sa Maynila makatatanggap ng P500/buwan kahit hindi botante

BIBIGYAN na ng P500 monthly allowance ang mga senior citizens sa Maynila kahit hindi botante ang mga ito.

Ibinasura ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang probisyon ng Ordinance 8565 na tanging ang binibigyan lamang ng P500 buwanang allowance ay ang mga senior citizens na nasa voters list.

Aabot umano sa 44,363 non-voters ang matutulungan ng pagbabago sa ordinansa.

Noon ay ginamit ang pagiging botante upang matiyak na ang mga ito ay residente ng Maynila.

Upang makatanggap ng buwanang tulong ngayon, ang kailangan lamang ay sertipikasyon na ito ay “actual resident” ng lungsod mula sa Barangay.

Read more...