SINIMULAN na sa Oxford, England ang unang human trial ng bakuna laban sa coronavirus.
Dalawang volunteer ang unang nabigyan ng bakuna mula sa mahigit 800 katao na inimbitahan para sa pag-aaral.
Kalahati ng 800 ay tatanggap ng COVID-19 vaccine habang ang kalahati ay tatanggap ng bakuna laban sa meningitis.
Binuo ng team mula sa Oxford University ang bakuna sa loob ng halos tatlong buwan.
Ayon sa mga lumikha ng bakuna, 80 porsyento silang kumpiyansa na magiging epektibo ito. –Radyo Inquirer
Oxford University (@UniofOxford) Tweeted:
Today @OxfordVacGroup began trialling a #Covid19 vaccine in two healthy human volunteers, to provide info on its safety & ability to generate good immune responses.
We’re so grateful to the volunteers & researchers working tirelessly to develop this: https://t.co/K3LlIVhwfN https://t.co/geiX9G7DEd https://twitter.com/UniofOxford/status/1253429348628983809?s=20