8 OFW nahawa ng COVID-19

NADAGDAGAN ng walo ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers na nagpositibo sa coronavirus disease 2019.

Umabot sa 1,122 ang kabuuang bilang ng mga OFW na nahawa ng naturang sakit.

Ang bilang ng mga nasawi ay naitala sa 162 tumaas ng tatlo mula kahapon.

Ang mga gumaling naman ay 307 na mula sa 295 kahapon.

“Based on the latest figures, the rate of new recoveries at 4.07% remains higher than the rate of new deaths at 1.89%,” saad ng Department of Foreign Affairs. “The DFA, through its Foreign Service Posts, continues to monitor the status of our nationals abroad and remains proactive in rallying the support and cooperation of our people in observing measures against COVID-19.”

Read more...