ISINIWALAT ng Department of Agriculture na tumaas ang presyo ng bangus at tilapia dahil sa isyu ng transportasyon.
Sa briefing, sinabi ni DA Secretary William Dar na nagmahal ang mga nasabing isda dahil nahihirapan ang mga nagbebenta mula sa probinsya na ibiyahe ito sa mga palengke sa Metro Manila.
“Itong mga tilapia at bangus, galing ‘yan sa Region 4A, Mimaropa, Central Luzon. ‘Pag minsan ay may konti pa ring problema doon sa pag-transport nitong mga isda, so nadidistorbo ‘yung mga pagpasok ng mga food supplies na ito,” aniya.
“Eventually mapaplantsa na natin,” dagdag ni Dar. “Noong unang pag-implementa ng ECQ (enhanced community quarantine), maraming nabinbin na mga food supplies galing sa mga probinsya. Mas lalo na doon sa mga barangays. Ito na ‘yung naayos na natin,”