Julia: Masarap magmahal…it’s the best time to spread love

TULAD ng nakararaming Pinoy, may mga nagbago rin sa mga pananaw ni Julia Barretto sa buhay ngayong panahon ng health crisis.

Na-realize niya na sa isang iglap lang ay pwede talagang magbago ang takbo ng buhay ng mga tao tulad ng nararanasan ng bawat Filipino ngayon dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

“Siguro for me nagbago ang perspective ko sa maraming bagay, like the moments na sana we didn’t take for granted kasi it’s easy for us to see our friends, see our families, go out and work, like normal,” ani Julia sa panayam ng Magandang Buhay.

Sabi pa ng Kapamilya young actress, isa rin sa natutunan niya ay ang pagpili kung anong laban ng buhay ang dapat harapin at panindigan.

“Siguro rin pinipili kung ano ang pino-problema sa life. May mga bigger problems pala na haharapin pa natin in the future. Iba eh. Nakakaiba lang siya ng perspective so mas pinapahalagahan ang mas malalaki na bagay sa life,” lahad ng dalaga.

Nang tanungin naman si Julia kung nabago ba ng COVID crisis ang pananaw niya sa love, “Masarap mag-love, pwede ba ‘yun? Masaya mag-love. Masaya talaga. 

“I think it’s the best time to really spread love, spread positivity and to make good relationships because I think in times of crisis like these parang kumakapit tayo talaga sa isa’t isa. Kailangan nagbi-build tayo ng stronger bond para to keep us sane lang,” paliwanag pa ni Julia.

Kung matatandaan, inamin ng aktres na in love siya ngayon pero nais muna niyang gawing pribado ang kanyang love life para iwas intriga.

Siguro nanggagaling ako sa place na alam naman natin na bawat kibot, bawat kembot ko palagi may nasasabi ang tao. I think now, I’m freeing myself.

“Like what I said sa post ko nga na you know I’m free to say whatever I want to say, I’m free to feel whatever I want to feel, I’m free to act upon anything and of course most importantly, I’m free to love anyone who I love and anyone who makes me happy,” chika pa ni Julia.

Read more...