ISANG Grab Express motorcycle rider ang inaresto ng pulisya dahil sa paglabag umano sa ipinatutupad na liquor ban sa Quezon City kahapon.
Kinilala ang suspek na si Ronnie De Leon, 32, ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Dumaan umano ang suspek sa quarantine control point alas-2:20 ng hapon sa quarantine control point sa Batasan-San Mateo Road sakay ng motorsiklo.
Nang pabuksan ang kanyang delivery box ay nakita umano ng mga pulis ang ilang bote ng alak.
Nasamsam umano sa kanya ang dalawang bote ng 700ml The Bar Lime Gin, isang bite ng 750ml Embassy Premium Blended Whisky, at isang bote ng 750ml Tanduay Rhum.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa QC Ordinance No. 24 (Liquor Ban) kaugnay ng Proclamation No. 922 at Bayanihan to Heal As One Act.