PARA sa buong mundo ang birthday wish ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.
Dahil bawal pa rin ngayon ang social gatherings at mga pa-party dahil sa patuloy na pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa bansa, isang simpleng celebration lang ang nangyari para sa 50th birthday ni Regine.
Sa Instagram account ng kanyang asawang si Ogie Alcasid, makikita sa video ang singer-actress na nagbo-blow ng birthday cake habang kinakantahan siya ng birthday song kasama ang anak na si Nate.
Sa IG page naman ni Regine, nagpasalamat siya sa lahat ng nakaalala sa kanyang kaarawan, “Bago matapos ang araw na ito I just want to say thank you for remembering my birthday.
“They say 50 is a milestone in fair nararamdaman ko talaga sa tuhod ko yang pagka-milestone niya ha,” aniya.
Dagdag pa niya, “Thank you to my family @cacaimitra @jovelasquezig @mommy_de @deca28 @mommy_tessie kahit FaceTime lang naki celebrate at nag-pansit pa. Bagamat sobra ko kayong namiss sa araw na ‘to, kahit papaano nagkasama pa rin tayo. Miss and love you guys.
“Thank you to my husband @ogiealcasid @leilalcasid and Nate @booboobear_nate for making my birthday extra special,” mensahe pa ng Songbird.
Ito naman ang kanyang wish sa kanyang special day, “Ang dasal ko sana matapos na ito at unti-unti tayong bumangon at bumalik sa dati nating buhay.
“Mahirap at alam kong medyo matagal bago tayo makabawi uli pero alam kong kaya natin to walang imposible lalo na kung taimtim tayong magdarasal. This too shall pass by GOD’s grace,” sey ni Regine.
Ito naman ang message ni Ogie for her wife, “My Beloved who is most beautiful even at her simplest. It is your special day today and I wish you all the joy, peace, and love that the entire universe can offer. Go and keep shining for Jesus, baba.
“You and will always be my eternal and I love you with all my heart. Happiest birthday and may God bless you and keep you, the Lord make His face shine upon you and be gracious to you. The Lord life His countenance upon you and give you peace.”
Samantala, tuloy na tuloy na rin ang benefit concert ni Regine sa Saturday, 8 p.m.. na mapapanood sa official YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.