MAGLALABAS ng guidelines ang Sandiganbayan para sa “new normal” mula sa paghahain ng kaso at mga mosyon at paglalagak ng piyansa.
Ayon kay Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang magbabalangakas ng bagong guidelines kasama na ang pagpapatawag sa mga akusado na nakakulong.
“Definitely, certain adjustments have to be made in the operation of the Court consistent with the social distancing requirement which includes our scheduled hearings,” ani Tang sa isang text message. “Hopefully, we can come up with a common approach on the resumption thereof.”
Isa umano sa paguusapan ang pagpapapunta sa mga akusado na nakakulong sa korte.
Inatasan ng Sandiganbayan ang Bureau of Corrections na dalhin sa korte ang mga akusado sa paglilitis.
Ayon kay Tang maaaring i-require na lamang na dalhin ang mga akusado kung kakailanganin ito.
May mga preso na nagpositibo ayon sa mga ulat.