KAARAWAN ngayon ni Angel Locsin at kahit ipinatigil na niya ang pagtanggap ng cash donations para sa pagpapatayo ng tent para sa frontliners ay wala pa rin siyang tigil sa kabibigay ng tulong.
Pawang in kind ang lahat ng tinatanggap ngayon ng aktres tulad ng latest niyang sponsor para sa mga kapatid nating Muslim.
Post niya kamakailan, “Maraming salamat @arla_ph for your donation para sa City of Parañaque and to our Muslim brothers and sisters preparing for Ramadan thru Ako Bakwit. Salamat kuya @wahoosotto & @samiragutoc for the opportunity to help much love and respect, Arla.”
Sabi pa ni Angel, “Sa panahon ngayon dapat yung kinakain at iniinom natin mas masustansya, mas natural, at siyempre dapat masarap.”
Nagpadala kami ng mensahe kay Angel kung ano ang plano niya ngayong araw para sa kaarawan niya pero hindi pa niya kami sinasagot. Feeling namin abala pa rin siya sa paglilibot para maghatid ng tulong sa nga apektado ng COVID-19 pandemic.
* * *
Nalungkot naman ang aktres na si Bea Alonzo dahil ang isa sa hinatiran nila ng tulong sa Tondo, Manila ay nasunog kamakailan.
Ang caption ni Bea sa litrato ng bahay na gawa sa light materials na kasamang naabo, “Last April 18, a fire broke out in Happy Land, Tondo. We were shocked to hear the news because Project Pearls Tondo was one of our recipients a week ago. @iamhope_org responded immediately and because of our donor’s generosity, @castilaneldred, we were able to share 500 packs of Bread to the children.
“Thank you Divine Degollacion for managing the daily operations. God bless you! @thisisrinanavarro @tricia_canilao @vhongx44 @iam_mariamay #iamHOPE
#iamHOPEful #togetherwecan
#behindourfrontliners.”
Samantala, isa si Bea sa hiningan ng tulong ni Angel Locsin sa mga kailangan ng Bataan General Hospital and Medical Center na kung hindi kami nagkakamali ay nagpadala ang una ng ilang galong alcohol at iba pang medical supplies. Dalawang tent naman ang personal na hatid ng huli.
Parte si Bea sa nagtayo ng I Am Hope organization na tumatanggap din ng donasyon para sa pangangailangan ngayon ng mga kababayan nating apektado ng COVID19.
Bukod sa tents, alcohol ay may dala ring surgical face mask, surgical gloves, PPE suits at face shields.
Ni-repost ni Bea ang video post ni Angel na nasa Bataan General Hospital and Medical Center.
Ang caption ng aktres, “So proud of this selfless person. Idol kita @therealangellocsin.”