Naranasan natin ang malawak at kumplikadong problema ng gobyerno sa pagtukoy ng mga apektadong sectors, distribution ng ayuda at sources ng pondo para sa food relief at cash assistance.
Bukod pa rito ang problema ng ating health care system– mga gamot, facilities, doctors, nurses, testing kits, at personal protective equipment.
Pagkatapos ng mga challenges na ito, paghandaan din nating mga manggagawa ang pagkatapos ng April 30 na deadline scenario.
Hindi na maaring i-extend pa ang April 30 dealine dahil tuluyan nang bagsak sa malalim na recession ang ekonomiya kapag pinahaba pa ang lockdown.
Pero hindi ibig sabihin na pag tapos na ang lockdown, tapos na rin ang problema sa COVID-19 at balik na tayo sa dati. Hindi ganun. Walang ganun.
Maaring may lockdown pa sa ilang lugar o munisipyo, at kailangang bumalik na sa production ang food, transport, services at manufacturing sectors pagdating ng May 1 Labor Day.
Ibig sabihin kailangan umandar ang makina ng industriya para mabuhay muli ang ekonomiya.
Pero hindi lahat ng manggagawa na may trabaho ngayon ay makakabalik o may trabaho na babalikan matapos ang April 30.
Maraming company o enterprises lalo na ang mga micro and small establishments ang mahihirapan makapag operate muli dahil ubos na ang capital nila.
In short, marami sa atin ang mawawalan ng trabaho. May trabaho man pero baka on call o pa extra extra na lang muna dahil matamlay ang ekonomiya.
Kung makautang ang company sa bangko o sa gobyerno, maaring magtuloy tuloy ang production at tsaka pa lang magsimulang sumigla ang ekonomiya.