Ronnie tinawag na ‘my future wife’ si Loisa: Pang-forever na ‘to 

HINDI kinaya ng powers ng mga fans nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ang hatid nilang pakilig sa kabila ng kinakaharap na health crisis ng buong mundo.

Nagpiyesta ang mga supporters at social media followers ng Kapamilya loveteam nang batiin ni Ronnie ng happy birthday si Loisa sa pamamagitan ng Instagram.

Kahapon, nag-celebrate ng kanyang ika-21 kaarawan ang Kapamilya young actress.

Nag-post ang young actor ng litrato nila ng kanyang girlfriend at nilagyan ng caption na, “Feliz cumpleaños a mi futura esposa (Happy birthday to my future wife).” 

Tatlong taon nang magkarelasyon ngayon sina Ronnie at Loisa at mukhang wala ngang planong pakawalan ng binata ang dalaga dahil future wife na nga ang tawag niya rito.

Samantala, kahapon ay nag-post din si Loisa ng birthday message at ang tanging wish niya, sana’y matapos na ang coronavirus pandemic sa mundo at bumalik na muli sa normal ang lahat.

Ang wish ko ay hindi na para sa sarili ko. Kundi para sana sa buong mundo na bumalik na ang lahat sa normal upang tayo ay matiwasay na makapagtrabaho na muli nang payapa para mabigyan natin ng magandang buhay ang ating sarili at ating pamilya.

“Stay safe and well! Ikain niyo nalang ako mamayang dinner, maraming salamat sa mga bumati. I love you all! Panibagong taon para sakin,” mensahe ni Loisa.

Siyempre, bumaha rin ng pagbati para kay Loisa mula sa mga LoiNie fans pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila maka-get over sa “my future wife” paandar ni Ronnie.

Comment pa ng ilang netizens talagang pang-forever na nga ang relasyon ng young couple. 

Read more...