HINDI umano sapat na dahilan ang takot na mahawa ng coronavirus disease 2019 para palabasin ang mga sangkot sa fraternity hazing na ikinamatay ni Horacio ‘Atio’ Castillo.
Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin hindi katanggap-tanggap ang apela ni Mhin Wei Chan, isa sa mga akusado sa pagpatay kay Castillo noong Setyembre 2017.
“Many still remember how Mr. Mhin Wei Chan and his other co-accused chose to uphold their fraternity’s code of silence rather than shed light on the hazing death of Castillo,” ani Garbin.
Naghain si Mhin Wei Chan ng mosyon at tinukoy ang rekomendasyon ng House committee on justice na palayain ang mga piling preso para lumuwag ang mga kulungan sa gitna ng banta ng COVID-19.
“I trust that the prosecutor handling the case would readily see that provisions in the Recognizance Act of 2012 apply only to the release of any person in custody or detention for the commission of an offense who is unable to post bail due to abject poverty,” dagdag pa ng solon.
Naniniwala rin si Garbin na hindi kuwalipikado si Mhin Wei Chan at mga kapwa akusado nito na makalabas ng kulungan dahil ang kanilang kaso ay isang non-bailable offense.
“I advise Mhin Wei Chan and all his co-accused to wash their hands with soap and water regularly, take a bath regularly, and take good care of their overall hygiene inside the Manila City Jail.”
Inirekomenda ng Justice committee na bigyan ng pansamantalang kalayaan ang mga first time offenders, mga edad 60 pataas, mayroong karamdaman, nakagawa ng hindi bayolenteng krimen pero walang pampiyansa kaya nanatili sa kulungan, walang rekord na tumakas at hindi flight risk.