5 hoarder ng medical supplies nasampolan

KULUNGAN ang bagsak ng anim katao na nahuling nagho-hoard ng medical supplies sa Maynila.

Hindi naman kinilala ng pulisya ang mga suspek, kabilang ang Tsino, na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Bayanihan Act, Consumer Act, Price Act, at Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Dinakip ang mga suspek sa entrapment operation noong Lunes sa Tondo.

Inireklamo ang lima dahil sa pagbebenta ng face mask at vitamins nang mas mataas sa suggested retail price.

Nakumpiska sa mga suspek ang 14,150 piraso ng face mask, 86,400 piraso ng multi-vitamins, at 600 test kits.

Read more...