‘Sana, bumalik na sa normal ang buhay nating lahat’ 

ISANG mahabang text ang tinanggap namin mula kay Arlene Andes na matagal na panahon nang nagtatrabaho-naninirahan sa Belgium.

    Regular namin silang tagapanood sa “Cristy Ferminute” at “Take It Per Minute Me Ganu’n” ng kanyang inang si Mommy Consuelo at ang kanyang anak na si Christopher.

    Walang palya silang tumututok, gamot nila sa kalungkutan ang dalawang programa, ikinukuwento nga ni Arlene na hindi na lumalabas ng bahay si Mommy Consuelo sa paulit-ulit na panonood sa aming mga programa sa FB Live.

    “May edad na si mommy, pero mahilig pa rin siyang lumabas ng bahay. Kapag nasa work ako, e, hating-hati ang isip ko. Inaalala ko si mommy, labas kasi nang labas dahil sa sobrang pagkainip, nadidisgrasya pa siya kung minsan.

    “Pero mula nu’ng mahilig na rin siya sa panonood ng mga talk shows n’yo, e, hindi na siya lumalabas. Napapahinga ang isip ko dahil delikado dito lalo na kapag winter.

    “Delikado ang kalye, matindi ang snow, baka siya madulas. Pero mula nu’ng lockdown, e, wala na kaming napapanood. Mga lumang episodes na lang ang pinanonood namin ni mommy.

    “Sana, bumalik na sa normal ang buhay nating lahat. Tanging gamot na lang namin sa kalungkutan, nawala pa. Miss na miss ko na po kayo,” paghihimutok ni Arlene Andes.

    Haaaayyyy!

Read more...