John Lloyd malalim ang hugot kay Bea: Sana nga drama lang 'to... | Bandera

John Lloyd malalim ang hugot kay Bea: Sana nga drama lang ‘to…

Ervin Santiago - April 22, 2020 - 11:23 AM

BEA ALONZO AT JOHN LLOYD CRUZ

“HINDI pinagtagpo pero itinadhana!”

Ito nga ba ang perfect hugot line para kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo?

Tila isang eksena sa pelikula ang pagpapalitan ng mensahe ng dating magka-loveteam sa Instagram na muling ikinakilig ng kanilang fans at mga netizen.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nag-usap in public ang dalawang Kapamilya stars pero mas matindi ang hugot ni John Lloyd ngayon kay Bea kaya naman mas na-excite at mas kinilig pa ang madlang pipol.

Nag-post si Bea sa IG ng kanyang litrato na nakatalikod malapit sa isang pinto. Nilagyan niya ito ng caption mula sa Polish-French physicist at Nobel Prize awardee na si Marie Curie.

“I remember a line I read from Marie Curie— ‘Nothing in life is to be feared, it is only to be understood. Now is the time to understand more, so that we may fear less.’ …NOW, more than ever.”

Nagkomento rito si Lloydie (na may handle name na @dumpsitegallery) ng, “Marami rin ako naaalala.”

Hirit naman ng aktres, “Mukha nga (smiling, blushing emoji) magandang alaala naman?” Na sinagot naman ni John Lloyd ng, “Karamihan oo, napangiti ako. [smiley emoji] pero meron ding hindi, napaisip ako.”

Muling inungkat ni Bea ang pag-like ni Lloydie sa isa niyang lumang IG post, “Napadpad ka sa bagong post ko ah. Pagod ka na kakahalungkat ng past photos? [laughing emoji].”

Reply ng ex dyowa ni Ellen Adarna, “Oo pagod na.” Na hiniritan naman ni Bea ng, “Saan?”

“Sa maraming bagay,” sagot ng aktor.

Sey naman ni Bea, “Luuhhhh… drama.” Na sinagot ni Lloydie ng, “Sana nga drama lang to.”

Dito na sumeryoso si Bea sabay tanong ng, “Okay ka lang Idan? (palayaw ng aktor).” 

“Pwede tumawag?” ang huling reply ni John Lloyd sa dating ka-loveteam. 

Ang paniwala ng mga netizens nagkasarilinan na ang dalawa at nakapag-usap tungkol sa mga hugot ni Lloydie. At halos lahat ng kanilang fans ay nagsabing ito na ang tamang panahon para bigyan nila ng chance ang isa’t isa.

At tulad nga ng kuwento ng mga iconic movies nilang “One More Chance” (2007) at ang part 2 nitong “A Second Chance” (2015) at sa mga karakter nila ritong sina Popoy at Basha, umaasa ang fans na sila pa rin ang itinadhana sa ending kahit hindi pinagtagpo sa simula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May ilang netizens naman ang nagtanong na baka raw isang malaking gimik lang ito para sa napabalitanf reunion project ng dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending