ISANG constable ng Metropolitan Manila Development Authority, na pinaniniwalaang nahawa ng coronavirus disease 2019, na hindi umano nabigyan ng sapat na tulong at atensyon, ang pumanaw.
Sa social media ikinuwento ni Marlene Maralit Tauro ang sinapit ni Cristopher Maralit na pumanaw noong Abril 15 sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center.
Ayon kay Tauro noong Abril 14 ay nagkaroon ng ubo na walang plema, nagsuka at nahirapan huminga si Maralit. Kumonsulta sila sa Telemedicine at nagreseta ang doktor ng Prazole Plus para sa gastro-oesophageal reflux disease at gastritis. Hindi bumuti ang lagay nito.
Kinabukasan ay pumunta ang kanyang anak sa Barangay hall ng Brgy. 254 Zone 23 ng Maynila para humingi ng tulong nang lumala ang kalagayan ng biktima.
“Hindi naming inaasahan na HINDI ALAM NG BRGY CHAIRMAN ANG GAGAWIN AT ANG TANGING SINABI AY “SAAN ILILISTA?”. Binigay naming ang hotline ng DOH at ng Manila Health Department ngunit wala pa rin naging aksyon.”
Ala-1 ng hapon dinala na ang pasyente sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center dahil “hirap na hirap” na ito huminga. Sinabihan umano ito na umuwi at magpa-x-ray sa ibang clinic dahil ang kanilang x-ray ay para lamang sa mga in-patient.
“Ipinakita ng kaniyang anak ang IATF ID ng pasyente upang patunayan na siya ay isang front liner. Doon lamang pinayagan ng ospital na i-xray ang pasyente ngunit PINAUWI PA RIN SIYA AT PINABABALIK PA NG 5:00PM PARA SA XRAY.”
Tumawag din umano ang anak ng biktima sa Manila Emergency Operation Center Hotline (MEOC) 0961-062-7013 “NGUNIT ANG SINABI LAMANG AY GAWIN ANG MGA FIRST AID NA PWEDE (PINALAGYAN NG HOT COMPRESS ANG KANYANG TIYAN AT HILUTIN ITO DAHIL MUKHANG ACID REFLUX DAW). HINDI NAGBIGAY NG IBA PANG IMPORMASYON ANG KANYANG NAKAUSAP KUNG SAAN BA PWEDE DALHIN ANG KANYANG AMA NA HIRAP NA HUMINGA.”
Humingi rin sila ng tulong sa MMDA pero natakot umano ang hepe ng ambulansya na baka may-COVID-19 ang biktima at mahawa ang iba pang empleyado. ‘HINDI RIN GUMAWA NG AKSYON ANG AHENSYA UPANG MAY TUMULONG SA PASYENTE MULA SA BARANGAY NA NAKAKASAKOP SA TAHANAN NG PASYENTE O SA MANILA HEALT DEPARTMENT AT DOH.”
Ibinalik ang biktima sa JRRMMC alas-5 ng hapon at na-x-ray ito alas-7 ng gabi. Dito nakita na ang pasyente ay mayroong pneumonia at idineklarang PUI.
Hindi umano na-admit ang pasyente dahil puno na ang ospital.
“NAKIUSAP ANG KANYANG ANAK NA LAGYAN NG OXYGENE ANG KANYANG AMA HABANG NAG HIHINTAY NA I-SWAB TEST NGUNIT SINABI NG DOKTOR NA “MUKHANG KAYA PA NMAN NI TATAY”
Habang naghahanap ng paglilipatang ospital ay hindi na nakahinga ang biktima at bumula na ang bibig nito.
“TUMAWAG NG NURSE ANG KANYANG ANAK AT ASAWA NGUNIT HULI NA ANG LAHAT, TINANONG SILA KUNG LALAGYAN PA BA NG TUBO ANG PASYENTE KUNG ITO AY MAI-REVIVE NGUNIT SIYA AY IDINEKLARANG PATAY NA BANDANG 9:40PM.”
Maaari umanong buhay pa ang biktima kung alam ng barangay ang gagawin at tumulong sa paghahanap ng malilipatang ospital.
“Ang MMDA kung saan nag serbisyo ang pasyente ng buong puso ay tumulong sana sa pag cocordinate sa mga kinauukulan upang mabigyan ng atenyon medikal ang kanilang miyembro.”
“Ang Manila Emergency Operation Center ay tumulong sana sa pag cocoordinate sa barangay o sa ospital upang mabigyan ng atensyong medikal ang pasyente imbis na ipagawa lamang ang first aid para sa acid reflux”
“Ang Jose R. Reyes Memorial Medical Center sana ay nagbigay ng karampatang atensyong medikal sa pasyente (gaya ng paglalagay ng oxygene) habang nag hahanap ang pamilya ng malilipatang ospital ng pasyenteng kanilang idineklarang isang PUI.”
Iginiit ng pamilya na dapat bigyan ng halaga ng buhay. “Ang mga simpleng pagpapabaya na naganap ang nag dulot upang mawalan ng ama ang tatlong bata na walang kasiguraduhan na aalagaan ng gobyerno hanggang sa kanilang pagtanda.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.