ANNE CURTIS ibang level na, pwede nang isabong sa mga HOLLYWOOD STARS


Napanood ko ang video ng “Without You” duet nina Papa Martin Nievera and Anne Curtis — sooooo cute! Ganda ng pagkakanta ni Anne doon — she’s a real cutie. Ha-hahaha! In fairness, bagay sa kaniya ang song — she sang her parts very well.

Tama lang ang tining ng kaniyang boses, hindi masakit sa tenga. Plus ‘yung sweetness ng personality niya, soooo arte pero hindi nakakabuwisit. I love this girl. Promise!

Aminado naman ever since si Anne Curtis na hindi siya talaga singer pero she loves to sing. At pinagbibigyan lang naman daw niya ang hilig niya — kumbaga, walang basagan ng trip, and in fairness to her, gosh!

Her concerts are always filled to the rafters. Kahit sa abroad, ang kaniyang “AnneBisyosa” concerts ay patok na patok. She’s really blessed. Kasi nga, she has that certain charm na kanyang-kanya lang.

‘Yung pagkakikay niya na hindi nakakairita, and what a beautiful face! And take note, siya pa rin ang may hawak ng titulo ng pinakamaraming followers sa Facebook and Twitter sa Pilipinas.

Puwede na ngang ihanay ito sa international artists in terms of huge following. Kaya for sure, matagal pang lalakbay ang career ng batang ito, gosh! Soooo swerte.

Feeling ko, kolehiyala ako this time sa language ko for Anne. Ha-hahaha! Magpa-girl ba?

( Photo credit to Google )

Read more...