MAGBABABA na ng desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa kung anong mangyayari pagkatapos ng Abril 30, ang huling araw ng ibinababang Luzon-wide enhanced community quarantine sa darating na Huwebes.
Sa interview kay Senator Christopher ‘Bong’ Go sa dzMM sinabi niyang sa April 23 iaanunsyo ang magiging desisyon ng pangulo.
“Ngayon po ay pinag-aaralang mabuti at ngayon Huwebes (April 23) magdedesisyon ang ating Pangulo.” aniya.
Ani Go, magkakaroon ng meeting ang pangulo sa COVID-19 task force.
Bago ito, nauna nang sinabi ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force na kailangan ng oras ng pangulo para mag-desisyon kung tatapusin o ie-extend pa ang quarantine.
MOST READ
LATEST STORIES