NIYANIG ng magnitude 3.7 lindol ang Tarlac kanina.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-2:41 ng hapon.
Ang epicenter nito ay dalawang kilometro sa kanluran ng Tarlac City. May lalim itong 13 kilometro.
Naramdaman ang Intensity II paggalaw sa Palayan City at Intensity I anman sa San Jose na parehong sakop ng lalawigan ng Nueva Ecija.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending