Curfew violators sa Malabon nagtago sa basurahan; Angelika  nag-thank you kay Darna

HALOS araw-araw ay ipino-post ni Kapitana Angelika dela Cruz ang mga aktibidad nila sa Barangay Longos, Malabon.  

Hindi naman din itinanggi ng aktres cum pulitiko na maraming pasaway sa mga kabarangay niya lalo na ang curfew violators 

Talagang kinunan pa niya ng video ang mga ito at pinagsasabihang makisama at sumunod sa quarantine protocol para na rin sa ikabubuti ng kanilang lugar.

Natawa rin kami sa ipinost ng aktres kung saan makikita na nagtalukbong ng garbage plastic ang dalawang curfew violators at sabay upo sa mga basurahan.

Say ni Shine (tawag namin kay Angelika), “Ganito raw magtago ang curfew violators sa mga tanod at pulis, ingat lang din baka mahakot kayo ng garbage truck.”

Samantala, nabigyan din ang Barangay Longos ng tent mula sa project #UniTENTweStandPH nina Angel Locsin, Neil Arce, Dimples Romana at iba pa nilang mga kaibigan.

Post ni Angelika, “Thank you sa true to life Darna @therealangellocsin, @neil_arce, @dimplesromana at sa lahat ng bumubuo ng #UniTENTweStandPH sa pag donate ng tent sa Malabon Amphitheater para sa mga frontliners. Mag iingat kayo lagi. Keep safe po.”

Naaliw din kami sa ipinost ni Angelika sa Instagram tungkol sa napabalitang aswang o “tiktik” na gumagala umano sa Barangay Longos.

Ito kasi ang sumbong ng isang kabarangay ni Angelika na may isang bahay sa Block 11 Hiwas Street na pinuntahan daw ng tiktik dahil naamoy na may buntis na nakatira roon.

Say ni Angelika, “Pag Kapitana ka lahat ng uri ng tao makaka-salamuha mo at lahat ng reklamo maririnig mo pero ‘yung ganito matatawa ka nalang hehe ang sagot ko nalang sa kanya, ‘kuya ghostbusters po ang kailangan sa ganyan.’ Goodmorning everyone.”

Read more...