Babae hinimatay sa disinfection tent sa Pasay City

ISANG babae ang hinimatay mismo sa entrada ng Pasay City Hall matapos na dumaan sa disinfection tent kaninang pasado alas 10:00 ng  umaga.

Nirespondehan ng rescue unit ng Pasay City ang babae na tinayang nasa 20-anyos at agad na dinala sa pagamutan.

Ayon sa mga nakasaksi, hinimatay ang babae matapos na sprayan pagpasok sa disinfection tent sa entrance ng cityhall.

Sa paliwanag naman ni Frederick Velasco, ng mayor’s office, malabo na maging dahilan ang kanilang isinagawang pagdi-disinfect kaya nawalan ng malay ang dalaga.

Ani Velasco, gawa sa herbal ang pang-spray.

Susuriin naman ang naturang babae kung may coronavirus disease (COVID-19).

Read more...