Benefit concert ni Gary nakalikom ng P6.8M; Movie icons sanib-pwersa sa ‘Gabi ng Himala’

MAGSASANIB-PWERSA ang pinakamaningning na mga bituin ng pelikulang Pilipino para sa online fundraising event ng Lockdown Cinema Club at Ricky Lee Scriptwriting Workshop with ABS-CBN Film Restoration.

Mapapanood ang “Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento” ngayong gabi, 8 p.m. sa Facebook page ng ABS-CBN Film Restoration.

Makikilahok dito ang mga tinitingalang artista, mang-aawit, manunulat at direktor kabilang na sina Charo Santos, Piolo Pascual, Nora Aunor, Lea Salonga, Jodi Sta. Maria, Maja Salvador, Angelica Panganiban, Shaina Magdayao, Nadine Lustre, Raymond Bagatsing, Iyah Mina, Ricky Davao, Ricky Lee, Olive Lamasan, Lav Diaz, Petersen Vargas, Sigrid Andrea Bernardo, Bituin Escalante, Aicelle Santos at Joyce Bernal.

Sa pangunguna nina Ryan Agoncillo at Bianca Gonzales, ang event ay naglalayong makalikom ng halaga para makatulong sa film workers na lubos na naapektuhan ng enhanced community quarantine.

Ilan sa mga dapat abangan ay ang muling pagbibigay buhay ng mga aktor sa pelikulang “Himala” sa kanilang monologue at reenactment ng ilang eksena nito, na susundan ng performances ng mga awitin mula sa “Himala: The Musical.”

Magkakarooon din ng live chat na magbibigay ng pagkakataon sa fans na makausap ang kanilang iniidolong movie icons.

Bukod sa Facebook page ng ABS-CBN Film Restoration at Lockdown Cinema Club, mapapanood din ang “Gabi ng Himala” sa iWant at  Facebook pages at YouTube channels ng ABS-CBN Entartainment, Star Cinema, Black Sheep at Sinehub.

* * *

Umabot sa P6.8 million ang nalikom na donasyon ni Gary Valenciano matapos ang kanyang two-day digital concert na “HOPEFUL 2020”.

Live na napanood via streaming sa official Facebook page ni Gary last Saturday, April 18, and Sunday, April 19, ang nasabing benefit concert na bahagi pa rin ng 37th anniversary sa showbiz ng singer-actor.

Ang proceeds ng “HOPEFUL 2020” ay ido-donate sa Operation Blessing at Shining Light Foundation na nagsasagawa naman ng relief mission para sa medical workers and other frontline workers.

Bukod dito, nagsasagawa rin ng feeding programs ang dalawang beneficiary ng anniversary digital concert ni Gary para sa mga apektado ng enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

Read more...