NAGTAPYAS sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.
Sa abiso, sinabi ng Total, PTT Philippines, Cleanfuel, Phoenix Petroleum, Seaoil, Shell, Petron, Flying V, Caltex at Petro Gazz na mababawasan ng P1.15 ang presyo ng bawat litro ng kanilang diesel habang 55 sentimos naman sa gasolina.
Nasa 69 sentimos naman kada litro ang ibinaba ng Seaoil, Shell, Petron, Flying V at Caltex sa presyo ng kanilang kerosene o gaas.
Unang nagpatupad ng oil price rollback ang Caltex epektibo alas-12:01 ng umaga habang alas-6 ng umaga naman ang rollback ng iba pang kumpanya.
Ang Cleanfuel naman nagpatupad ng bawas-presyo alas-8:3O ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.