BINASAG ng isang netizen ang pamimigay ng make-up ni Ara Mina sa mga frontliners at medical workers.
Ibinandera kasi ng aktres sa kanyang Instagram account ang mga ido-donate niya sa mga frontline workers. Inisa-isa pa niya ang laman ng kanyang mga inihandang regalo.
Bukod sa pagkain, face masks at face shields, at ilang personal protective equipment, may makeup at skincare items din siyang ipamimigay mula sa kanyang Ara Colours PH at Ara’s Secret.
Caption ng aktres sa kanyang IG post, “Aside from my donation drive of @aracoloursph and @arassecret…
“We’ll be sending @aracoloursph self-care kits to the frontliners of my two chosen hospitals this week. This is just a gift! Aside sa food at masks na binibigay natin, we’ll give face shields and PPEs soon sa talagang nangangailangan po.
“Please continue supporting my products so we can help more. Let’s spread kindness and be a true hero to our frontliners,” pahayag pa ni Ara.
Nagpasalamat ang mga followers ni Ara sa patuloy na pagbibigay niya ng ayuda sa mga apektado ng COVID-19 pandemic. Anila, sana’y dumami pa ang tulad niya na kahit walang kita ngayong panahon ng krisis ay hindi pa rin nagdadamot sa pamamahagi ng tulong.
Pero sa kabila nito, may isa pa ring netizen ang nangnega kay Ara at nagkomento na hindi kailangan ng mga kababayan natin ngayon ang make-up.
“Thank you, but at this point, makeup kits are not part of our priorities. Food is more essential for their daily needs,” sabi ng follower ni Ara.
Ito naman ang bwelta sa kanya ng aktres, “I know this is not the top priority. Ayan na naman po tayo sa pagdya-judge.
“This is only a bonus or extra. May kasama pong food ang pamimigay ko po. And nag distribute na rin po ako ng about 8k pieces of masks. Naka-plan na rin po ako mamigay ng face shields and magpa-fundraise pa po ako for PPE suites.
“’Wag po tayo nega agad. It’s free anyway if you don’t like it, ‘di ko po kayo pipilitin. It’s just a gift,” depensa pa ng aktres.
Pagpapatuloy pa niya, “Nag-iisip lang ako ng something para matuwa naman ang frontline workers like you.
“‘Di niyo po ba nakita ang swipe pic? I sell my products sa price n’ya and ‘yung kita po namin ipapangkain sa frontliners.
“And itong pouches na is an extra gift for them. Sana malinaw po at na-explain ko sa inyo ng maayos para maintindihan n’yo po,” sey pa ni Ara.