NASAWI sa COVID-19 ang 41-taong-gulang na inmate ng Cebu City Jail.
Ani Mayor Edgar Labella, nahirapang huminga ang inmate, residente ng Brgy. Mambaling, noong Sabado kaya itinakbo Ito sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.
Namatay ang inmate kahapon, kasabay ng paglabas ng resulta na positibo siya sa coronavirus.
Dagdag ni Labella, sinimulan na ang pagsusuri at contract tracing sa kulungan.
MOST READ
LATEST STORIES